Collect moments not things
Baguio
Nagpunta kami ng baguio noong Aug 2015 dahil dumating ang tita at tito ko galing sa ibang bansa. Kaya habang nasa pilipinas pa siya nais niya na makapasyal at magsaya habang siya ay ng babakasyon kaya napagdesiyonan namin na sa baguio nalang pumunta. Dahil marami din naman ang magagandang tanawin doon. Excited na excited ako dahil yun ang una kung punta dun.
Ang mga larawang ipapakita ko sa inyo ay isa sa mga pinuntahan namin doon, hindi ko na lahat na lagay dito ang mga kuha namin sa ibang lugar sa baguio, dahil hindi ko na siya makita at medyo matagal na rin po ito.
- Chinese Temple o Baguio Buddha Temple ito ang tawag sa larawang nasa ibaba. Ito ay isa sa mga magagandang tanawin at palaging pinupuntahan ng mga turista lalo na ang mga chinese na turista, kung saan ang makikita mo ang mga artifacts of Buddhism at some literature tungkol sa history of China dito sa loob ng temple. Pero ang lugar na ito ay pasukin at kailangan talaga sadyain. Kaya nung pumunta kami dito ay sinadya talaga namin to puntahan, dahil ang lola ko ay isang pure chinese. Kaya bilang chinese ang lola ko pinuntahan talaga namin ito kahit ang tirik ng araw. Di alintana ang pagod lalo na't makita mo ang lola mo na masaya habang tinitignan ang mga tanawin, siguro pakiramdam niya nakauwi na siya sa kanyang totoong tahanan, Ang china. Dahil ang tagal tagal na rin hindi nakakauwi ng lola ko dun, mga dekada na din siguro. kaya masaya siya nung nakita niya yan, dahil ang nakikita niya ay tungkol lang sa China.
![]() |
Pagkatapos ng 2days and 1 night namin dun masaya kaming lahat na umuwi dahil naenjoy naman namin ang stay doon. Pero medyo nalungkot kasi bitin ayaw pa namin umuwi nagustuhan na rin namin siguro ang klima ng baguio. Malamig at nakakarelax. Hindi ako ngkamali ng iniisip ko sa baguio dahil totoong maganda ito tulad ng sinasabi ng karamihan. Kaya umalis kami ng may ngiti dahil mas lamang parin ang saya.
Ilocos
Ito nanaman ang pangalawang uwi ng tita at tito ko galing sa ibang bansa, Ang saya saya ko talaga na umuuwi ang tita at tito ko, dahil asahan mo magroroadtrip nanaman kami. Napagdesiyonan naman namin na magbakasyon dito sa Ilocos, dahil nainggit siya sa mga tanawin dun na magaganda. Hindi ito ang una kung punta sa ilocos dahil ilang beses na akong sinama ng papa ko sa mga arkila niya. Pero ito ang pinakamasaya kasi kasama ko ang pamilya ko at hindi ang mga pasahero ng papa ko.
Sampung destinasyon at dahilan ang ipapakita kong mga larawang para hindi kayo magsisi kung sakaling gusto niyong pumunta ng ilocos.
- Paoy Church Unang destinasyon. Ito ang tawag sa larawan na makikita sa ibaba. Maganda ang simbahan na ito dahil halos mga dekada na din ang tagal. Hindi naman maikakaila na totoong ngenjoy talaga ako kita naman sa mga larawan ang saya ko sa mga view na nakikita ko. Kaya "please kunan muko ng picture" yan lagi ang sinasabi ko sa kapatid ko.
- Hidden Garden ang tawag sa Pangalawang destinasyon na ito, Tinawag siya hidden kasi tago din medyo ang lugar na ito. Pag pumasok ka sa loob marami kang makikita na halaman at bulaklak. maganda rin ang kanyang view.
- Patapat, Bridge ito ang tawag sa Pangatlong destinasyon na ito buhis buhay. Dahil ang bridge na ito may mga dumadaan na sasakyan dyan at mababibilis sila pero dahil maganda ang view di kami ngpatinag. Lalo na't pag tumingin ka sa gilid makikita mo ang dagat na asul na asul.
- Kapurpuran Rock Formation ito ang tawag sa pang Apat na destinasyon, sadyain din ito kailangan mo ng medyo mahabang lakaran para lang makita mo ang magandang view na gusto mo.
- Pagudpud ang tawag sa Panglimang destinasyon na ito. Tama nga ang sinabi nila na pagpumunta ka ng PAGUDPUD pagod kana nga pudpud pa pwet mo. Pero masaya :)
- Blue Lagoon Beach Resort Panganim na destinasyon. Isa sa pinakamasaya. Ang linaw ng tubig at ang linis. kung ano ang nakikita niyo sa larawan yun din ang totoo walang halong effects yan. Ang beach resort na to ay tinatawag din na boracay of the north. Kung tutuosin mas maganda pa to sa boracay. Pero wala lang masyadong nakakadiscover. Pero pag nakapunta ka malamang baka balik balikan mo talaga to.
- Sanddunes Pangpitong destinasyon. Ito ang pinakamasaya. Kasi ako yung tipo ng tao na mahilig sa adventure kaya kung gusto mo ng adventure sa buhay punta ka dito. Kasi masaya lalo na pag sumakay ka sa 4by4 para kang nasa roller coaster di ko maipaliwang kung gaano kasaya at ang ensakto pero imaginin mo nalang nasa roller coaster ganun pero parang mas malala pa. meron din dun ng skate boarding at yun ay nasubukan ko ang saya. Mainit tirik na tirik ang araw kasi mga 2pm ng hapon yan pero ayos lang kasi super ngenjoy ako.
- Malacanang of the North Pangwalong destinasyon. Ito ay kina Former President Marcos. Maganda ang paligid. Marming mga kagamitan at kung ano ano pang desinyon. Makikita mo rin dito ang kwarto nila at ang opisin ni Marcos. Pag lumabas ka sa veranda dun mo makikita ang magandang view. Mahangin at maaliwalas ang paligid.
- Ilocos Sur. Pangsiyam at Pangsampung destinasyon. Ito na ang pinakahuli. Lahat ng makikita mo dito sa lugar na ito ay dinisenyo sa lumang panahon tulad ng mga restaurant dito. Lahat ng disenyo ay makaluma. May kalesa at maraming mga souvenir shop kaya masaya ang magikot at ang Fountain na makikita mo sa larawan ay maganda yan tuwing gabi. Dun mo makikita ang ganda nyan. Empanada. Masarap na pagkain sa vigan, Lalo na ang bagnet. Masarap pero nakaka high blood.
Dito na nagtatapos ang aking Roadtrip sa Ilocos. Sa totoo lang hindi lang Sampung destinasyon ang pwede niyong makita sa Ilocos. Hindi ko lang nilagay lahat kasi baka pumunta na kayo dun ngayon. Agad agad, Haha. Malayo ang byahe? Oo. Nakakapagod? Oo. Pero masaya sobrang saya. Hindi mo maalintana ang pagod dahil worth it sobra ang pupuntahan mo. Kahit pa ilang beses kang bumalik ay hindi ka magsasawa.
"Travelling. It leaves you speechless. Then turns you into a storyteller."











